Saturday, August 15, 2015

Kahalagahan ng retorika sa aming kurso

Ano ang kahalagahan ng retorika sa inyong kurso?

          Ang  Multimedia Arts ay isang kurso na tungkol sa isang sining na interesado sa paggamit ng “medium” hindi lang pang “digital”, kasama na din ang mga “traditional arts”. Ang mga itinuturo dito ay ang mga sumusunod:

-          -Animation
-          -Graphic design
-          -Illustration
-          -Multimedia
-          -Photography
-          -Web design
-          -Graphic Communication Technologies

          
          Mahalaga ang retorika sa lahat dahil ginagamit natin ito sa pang araw-araw na buhay. Ginagamit natin ito sa pakikipagtalastasan. Pinag-aaralan din ang kahalagahan ng retorika para sa mabisang pakikipagtalastasan. Ang kahalagahan ng retorika sa aming kurso ay hindi lang kami gawa lang ng gawa tungkol sa sining, nakikipag-usap o nakikipagkomunika din kami sa mga tao kung ano ang reaksiyon nila sa mga ginagawa namin. Minsan nagpapahayag din kami ng saloobin sa pamamagitan ng pagguhit at pagpinta o ang pagkuha ng isang litrato gamit ang kamera kung ano ang mga nakikita namin na gusto naming bigyan ng kahulugan upang ipakita sa tao at ipaliwanag sa kanila. Ginagamit namin ang retorika kapag nakikipag- anunsiyo sa mga tao katulad ng paggawa ng isang komersyal at mga “print ads” upang mahikayat sila na making sa amin.