Ano ang kahalagahan ng retorika sa inyong kurso?
Ang Multimedia Arts ay isang kurso na tungkol sa isang sining na interesado sa paggamit ng “medium”
hindi lang pang “digital”, kasama na din ang mga “traditional arts”. Ang mga
itinuturo dito ay ang mga sumusunod:
- -Animation
- -Graphic
design
- -Illustration
- -Multimedia
- -Photography
- -Web
design
- -Graphic
Communication Technologies
Mahalaga ang retorika sa lahat dahil ginagamit natin ito sa
pang araw-araw na buhay. Ginagamit natin ito sa pakikipagtalastasan.
Pinag-aaralan din ang kahalagahan ng retorika para sa mabisang
pakikipagtalastasan. Ang kahalagahan ng retorika sa aming kurso ay hindi lang
kami gawa lang ng gawa tungkol sa sining, nakikipag-usap o nakikipagkomunika
din kami sa mga tao kung ano ang reaksiyon nila sa mga ginagawa namin. Minsan
nagpapahayag din kami ng saloobin sa pamamagitan ng pagguhit at pagpinta o ang
pagkuha ng isang litrato gamit ang kamera kung ano ang mga nakikita namin na
gusto naming bigyan ng kahulugan upang ipakita sa tao at ipaliwanag sa kanila.
Ginagamit namin ang retorika kapag nakikipag- anunsiyo sa mga tao katulad ng
paggawa ng isang komersyal at mga “print ads” upang mahikayat sila na making sa
amin.
No comments:
Post a Comment